Thursday, November 8, 2012

Wil Tower ni Willie Revillame, kulang kulang sa requirements?

NILAGYAN na ng bubong ang kalsadang malapit sa kinatitirikan ng building ni Willie Revillame.


Mahigit isang taon din daw ang nagdaan bago nila naisip na maglagay ng proteksiyon sa mga tao at sasakyang dumadaan sa tapat ng gusaling ginagawa. Nagtataka nga ang iba kung bakit ngayon lang nila ito ginawa. Masyado raw malakas sa mga kinauukulan ang TV host/comedian. Nabigyan sila ng building permit gayong kulang pa sila sa requirements.

Anyway, ngayon ay meron na nga itong bubong dahil may aksidente na palang nangyari rito na hindi lang nai-report sa pulis sa hindi malamang kadahilanan. Bale dalawang kotse na pala ang nalaglagan ng debris mula sa tuktok ng ginagawang building, ‘yung isa ay Mercedes Benz pa raw, at meron pang bubong ng isang bahay ang nabagsakan din. Mabuti na lamang at walang taong nadisgrasya.

Kailan ba talaga matatapos ang konstruksiyon nito? Twin building ito pero ‘yung isa lang ang tumataas na mas mataas pa sa ABS-CBN. Ano ang mangyayari sa isa, maiiwan at saka na lang tatapusin? Ang pangit tingnan. Totoo kaya ang tsismis na kinakapos na rin si Willie sa pera?


source: http://www.remate.ph/2012/11/kamuntik-nang-mamatay-sa-building-ni-willie/
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

2 comments:

  1. Ganyan talaga ang mga Pinoy...huli palagi kung umaksyon.....galing talaga niya ano....Pinataas masyado ang building iyong makikita niya sa ibaba ang abs cbn kung saan siya sumikat...

    puwede mo ba add ang blog ko sa blog list mo..

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search