Tuesday, November 27, 2012

GMA-7 Barat magbigay ng Talent Fee sa kanilang Contract stars ?

Except for Richard Gutierrez, Dennis Trillo at magdyowang Marianita Rivera at Dingdong Dantes. Halos lahat ng kanilang mga contract star ay binabarat na ng GMA 7 sa kani-kanilang talent fee. 


Like ang actress na mula sa showbiz clan naturingang pinagbida na nila sa panghapong drama serye. Kalokah! Ten thousand lang pala per taping si actress na nagkakandakuba na sa pagtatrabaho. 

At ang da height minsan sa isang araw na taping tinutuhog na nila para sa dalawang araw sanang taping ang aping Kapuso actress. Bulong pa ng ating impormante napupunta na lang halos sa gasolina at wardrobe ni actress ang kanyang sweldong nakukuha sa network na pinaglilingkuran. 

Look, n’yo sina Ryza Cenon, Kris Bernal at LJ Reyes. Aba! malapit na silang mag-isang dekada sa GMA 7 pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang mga sariling bahay. Unlike sa mga Kapamilya star na hindi pa umaabot ng isang taon sa estasyon ni sir Gabby Lopez ay puro asensado na at may sarili nang pundar na house and lot at magagarang kotse. Naku! Kapuso kaya pala kayo inaalat ay dahil mababa kayong magbi-gay ng TF. Nakadedesmaya naman gyud!

SOURCE

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search