Friday, October 19, 2012

Derek Ramsay nagdurusa sa buwelta ng ABS-CBN sa kanya?

Nagdurusa si Derek Ramsay sa buwelta ng ABS-CBN sa kanya. Dahil nilayasan niya ang Dos at nasilaw sa TV5, may katapat na kaparusahan ito. Hindi pwedeng mag-promote si Derek ng ano mang pelkikula niya sa Dos, ang network na nag-build-up sa kanya. 


Kaya nga sad si Anne Curtis dahil mababawasan ang kabonggahan ng kanilang promotion ng pelikulang “A Secret Affair” na kasama nina Derek at Anne si Andi Eigenmann, sa direksiyon ni Nuel Naval.

Tanggap naman ni Derek ang ganoong set-up na banned siya sa ABS-CBN. Marami rin siyang opportunities na nawala nang layasan niya ang Dos. Dapat ilagay sa isip ni Derek na ang ABS-CBN ay merong matatag na film production, ang Star Cinema, samantala ang TV5 ay wala. Aminin natin na mas malawak ang Dos sa Singko.

Tungkol pa rin sa “A Secret Affair” na prodyus ng Viva Films, hangad nito na mapantayan ang malaking tagumpay ng “No Other Woman” nina Anne at Derek kasama si Cristine Reyes. Iba ang katayuan ni Derek ngayon, pilay sa promo exposure mula sa dati niyang tahanan.

That’s what you get.

SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

1 comment:

  1. tama lng at nararapat sa isang katulad ni derek

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search