Friday, August 24, 2012

TV5's Top Exec Na Kumuha Kay Claudine Nakatikim ng Banat sa Tulfo Brothers

ANG Vice President for Programming in Entertainment ng TV5 pala na si Perci Intalan ang nag-hire kay Claudine Barretto para sa isang episode na pagbibidahan ng actress sa The Untold Stories ni Amy Perez.

At kung hindi raw nag-react ang Tulfo Brothers sa pangunguna ni Raffy Tulfo, Erwin, Ben na magkasama sa commentary program na T3 at may kanya-kanyang solong programa rin sa Kapatid network, baka gawin ng contract star ng Cinco si Claudine.

May point nga naman si Raffy. Alam na alam naman ng mga taga TV5 kung ano ang ginawang pang-aagrabiyado ng mag-asawang Claudine at Raymart sa nakatatanda nilang utol na si kuya Mon Tulfo na nangyari a few months ago sa NAIA Airpot.

Hindi lang nagpakita ng moral support ang istasyon ni Mr. Manny Pangilinan sa Tulfo brothers kundi pinanigan talaga sila ng mga kasama rito, tapos, kukunin ngayon ni Perci ang aktres dahil lang sa pakiusap sa kanya ng manager nito na si Boss Vic del Rosario?

Nasaan nga naman ang code of etchics n’yo nyan?

Hayan tuloy, Ateng Perci, dahil sa ginawa mo nakatikim tuloy kayo ng banat ni Sir Raffy kung saan isinambulat ng hard-hitting radio and tv personality na halos lahat daw ng mga show sa entertainment na hawak ng kaaway nilang ehekutibo sa TV5 ay walang commercial kaya puro lugi ang mga ito.

Well, for sure dalawa sa pinatatamaan rito ni Papa Raffy ay ‘yung dalawang showbiz program ni Manang Cristy Fermin na Ang Luma (yes, luma kasi ang host at luma rin ang mga blind items ni Shalalaletch) at ‘yung ipinalit nila sa Juicy na super nakaaantok.

Grabe! Delubic talaga! Nandyan na nga sina Amy Perez at Cong. Lucy Torres pero bakit hindi pa rin ito mag-rate?

Isa lang ang ibig sabihin niya’n, my BFFT Pete A. Isang malaking zumpa ng kamalasan talaga ‘yang si Manang Cristy sa network na ‘yan ni MVP. At sino ang may pakana para mapunta riyan ang osla at orocanang TV host? Zino pa kundi si Ateng Perci. Naku! Wala siyang ka-asset asset gyud!


Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

1 comment:

  1. nsa gma films yan mahina promotion nla sabagay saan b nman nila e ppromote ang movie nla sa station din nla n kunti nman ang n nonod s kanila kaya tuloy artista nilala d kilala at ang gina gawang pilikula d masyadong pina panood kya yun flop!!....

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search