Magkaibang-magkaiba ang dalawang Tagalog film na ipalalabas ngayong araw sa maraming sinehan – The Reunion (Star Cinema) at One Just Summer (GMA Films) – na sana ay ’wag bagyuhin.
Parehong naka-B (60% tax rebate) ang dalawang movie sa Cinema Evaluation Board.
Ang The Reunion, mabilis ang phasing at marami ang bidang bagets – Xian Lim, Enchong Dee, Kean Cipriano, Enrique Gil, Jessy Mendiola, Julia Montes, Meagan Young, Bangs Garcia at Gina PareƱo.
Nakakagulat na maganda ang The Reunion – coming of age — at nakadagdag ang mga kanta ng Eraserheads na ginamit sa movie para lalong mas panoorin ito. Pati direction para sa baguhang si Frasco Mortiz, aba bongga.
Ang Just One Summer naman ay problema sa pamilya ang main issue ng ng bidang na Elmo Magalona at ang tungkol nga sa love story nila ni Julie Anne San Jose.
More on Elmo ang movie. Siya ang lumabas na bida bilang anak na maldito dahil sa pang-iiwan ng kanyang ama sa kanilang mag-ina.
Bongga ang support na sina Alice Dixson, Joel Torre and Cherry Pie Picache.
Pero ‘yun nga. Magkaiba talaga ang The Reunion and Just One Summer, so hindi puwedeng ikumpara.
So sugod na sa mga sinehan para parehong kumita.
Isa pang pelikulang maganda na ipalalabas naman next week ay ang Mga Mumunting Lihim, pelikula ni Direk Jose Javier Reyes. Wow. Ang ganda. Grabe. Graded A naman ito ng CEB.
Deserving talaga sina Judy Ann Santos, Agot Isidro, Janice de belen, and Iza Calzado sa ensimble best actress award sa Cinemalaya Independent Filmfest.
Walang itulak-kabigin sa kanilang apat though lutang ang acting ni Judy Ann na namatay sa movie.
Pero pinaka-defining moment ng movie ay nang nagmumurahan sa restaurant ang tatlong bida na sina Agot, Janice and Iza.
Panoorin n’yo na lang bilang magkakaroon ito ng commercial exhibition.
Kuwento ng magkakaibigan na may kanya-kanyang lihim na nabunyag sa diary ni Judy Ann (Mariel) matapos itong mamatay sa cancer. Pang-award.
Hmmm, may masasabi kaya dito si Tito Alfie Lorenzo?
Elmo
ReplyDeletehaha, mas patok naman sa takilya the reunion! I've seen both films. Elmo, walang ka class class, di marunong mag acting, sumikat lang dahil sa tatay niya. :)
ReplyDelete