Friday, August 31, 2012

GMA-7 itatapat si Bea Binene sa serye ni Jodi at Papa Chen


KUNG magtutuluy-tuloy ang plano ng GMA7, si Bea Binene ang ipambabato ng network para ilaban sa on going soap ni Jodi Sta. Maria sa pang-umaga. Gagawin ng batang aktres ang soap pagkatapos ng stint niya sa Luna Blanca bilang teenager na si Luna. Top hit ang soap opera dahil kina Bea at Barbie Forteza, gayundin sa kani-kanilang love-team na sina Derrick Monasterio at Kristoffer Martin.


Iba raw kasi ang charisma ni Bea ngayon sa mga kabataang fan at gayundin sa mga misis na naiiwan sa bahay tuwing umaga. Kasi, si Bea ay ideal na anak sa mga magulang at napakamasunuring bata.

Bukod pa sa napakabait sa kanyang mga tagasubaybay, lagi rin siyang may panahon sa kanyang mga fans. Mahilig din siya sa kawanggawa.

Yung kinikita niya sa showbiz ay laging may part nito ang pagbibigay sa kanyang mga charity works. Lalo na noong panahon na monsoon floods. Mismong si Bea ang nagbalot ng mga relief goods na galing sa kanyang bulsa.

Madalas ng mag-mall show si Bea ngayon dahil sa pagpo-promote ng kanyang first Album na Hey! It’s Me, Bea, na mabibili na sa mga record bars, particulary sa Astrovision.

Recently rin ay naging endorser na siya ng Unisilver watch bilang isa sa kanilang youth ambassador.

source: hataw tabloid
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

8 comments:

  1. ahaha ASA pa man siya na Matatalo niya sina MAYA at sir CHIef^^ gud luck mga AMBISYOSA ^^

    ReplyDelete
  2. asa talaga siya..anu ba yan GMA di ba kau nagiisip yong mga sinsalang di naman talaga sikat..tigilan niyo na at tama na ang kasinungalingan sa rating di ako talaga naniniwala na nag rate One true love kung tutuusin di naman mga sikat ang mga bida..tingnan niyo ng ang julielmo niyo nasaan na ngaun matapos sumemplang ang movie ngaun naman matatapos na ang kanilang show nanlipat sa sabado kasi talo talaga siya ng Luv U kasi kung nangunguna bakit nilipat sa sabado???cge nga..tama na kasi.

    ReplyDelete
  3. tama palubog na ang GMA

    ReplyDelete
  4. Kawawang GME nabubulabog, palubog na kasi! ahihi

    ReplyDelete
  5. Tama na ang tinatawag na "PANLILINLANG" sa mga viewers. hindi naman kami ganon ka bobo. diba guys?? GME laos. BEA KAWAWA ka ki MAYA. papakainin ka niyan ng alikabok. atras na.
    "KAPIT BISIG KAME"

    ReplyDelete
  6. c MAYA tatapatan ni BEA wag na lang..pwede nyo nman subukan pero ilang weeks lang tataob na yan itatapat nyo..hoping nman kasi kayo masyado GMA na maging number 1..number 1 kayo if walang kalaban pero sorry meron kasing ABS CBN kaya still no 2 kayo sa DOS.. DOS na palaging number 1..ang masasabi ko lang sayo BEA GOODLUCK!

    ReplyDelete
  7. haha.. eto nanaman kayo,, gagawa na naman ng serye na PALPAK.. pag d nagustuhan tsugi agad, kawawa yung bida(BEA) kase nag eefort para matalo ang beteranang aktres(JODI) at papa ng buong bansa(sir chief..) GOOD LUCK Ning..

    ReplyDelete
  8. G.M.A = Gusto Maging ABS-CBN...

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search