Friday, June 15, 2012

Jodi Sta. Maria to file a libel suit versus Iwa Moto


PAGKATAPOS ng pasa­bog ni Iwa Moto laban kay Jodi Sta. Maria na lumabas sa Paparazzi, may mga kasunod pa siyang interview sa ilang reporter na may mga sinasabi pa ito laban sa aktres.

Lumabas sa Yahoo.com ang isang interview kay Iwa na tila hinahamon pa si Jodi na magdemanda na ito sa lahat ng mgasinasabi niya.

Kaya lang daw nagsali­ta si Iwa ay dahil sa hindi niya matanggap na akusahan siyang home wrecker.

Binuweltahan ni Iwa si Jodi na nakipagrelas­yon daw ito sa ex niyang si Mickey Ablan (na karelasyon ngayon ni Janna Dominguez).

Pahayag ni Iwa, “Kung nagsisinungaling ako, bakit ‘di ako idemanda ni Jodi ng libel? Bakit ‘di siya nagsasalita? Kasi totoo. It’s about time mala­man sinong nagsisinungaling.”

Hindi namin nakakausap si Jodi, pero may ilang taong malapit sa aktres ang nakausap namin at talagang tikom daw ang bibig nito dahil wala raw siyang balak patulan si Iwa.

Sa tono ng pagkasa­bi nila ay parang nachi-cheap-an sila sa mga pinagngangawa ni Iwa kaya wala raw balak si Jodi na patulan pa ito.

Magsasalita rin daw si Jodi sa tamang panahon at sa tamang lugar. Kung hinahamon daw ni Iwa si Jodi na magdemanda ito, talagang darating daw iyun dahil ang pagkakaalam nila, balak idemanda ito ni Jodi.

Hindi lang nila alam kung ano ang ikakaso nito kay Iwa dahil ang dinig nila, hindi lang Libel ang isasampa nito.

Baka hindi lang daw kasi napayuhan si Iwa na basta paninirang-puri ang mga mga sinasabi nito, totoo man o hindi, libe­lous pa rin at puwede pa rin siyang kasuhan.

Curious lang kami kung ano pa ang kasong balak isampa ni Jodi laban kay Iwa, dahil tahimik lang daw talaga ito at hindi ito nagbibitaw ng ano mang komento.

source: abante-tonite
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

2 comments:

  1. mas ok ang ginagawa ni jodi... go jodi!

    ReplyDelete
  2. Mas mabuti ng nananahimik keysa putak ng putak na mukang TANGA. GO JODI.

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search