Wednesday, May 30, 2012

Mga Naunang Artista ng TV5, nagrereklamo na dahil sa mga bagong lipat na artista!


FEELING daw ng ilang talent ng TV network ay malulunod na sila dahil sa pagbaha ng maraming talento sa naturang istasyon na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa pagtanggap kahit nagsisiksikan na sila.

Lunod nga naman ang career ng iba kapag ganito kabait ang istasyon. Saang programa nila isisiksik ang mga ito kung parang mga kabute itong panay ang sulputan? Tanggap sila nang tanggap. 

Salo nang salo sa mga itinatapon ng ibang TV station. Kaya sa konting panahon pa, magkakapalitan na sila ng mga mukha. Hahaha!

Ang hirap pa nito, kung sino ang huling pumasok siya ang paborito. ‘Yung mga nagtiyaga unti-unting naiitsapuwera.

Paano kung ang lahat ng sasampa sa bakod nila ay may name na mga artista? Kawawa naman ‘yung mga homegrown talents nila nababantilawan.
Sa isang malaking event nga na ginawa nila kamakailan, ‘yung mga rati at orihinal nilang pinagmamalaking mga alaga ay naiwan sa kangkungan at ang buong ningning nilang ipinagmayabang ay yung mga bagong sulpot at ang mga ito pa ang iniharap nila sa publiko. Unfair ‘yun!

Ang nakatatawa rito, akala raw ng audience ay mga ka-family ang kaharap nila, iyon pala ay mga kadugo.
Hehehe! Salamat na lang daw at may malalaking billboard at banner. At least, nalaman ng tao na hindi na pala sila nagtatrabaho doon, sa rati nilang network.


SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search