Monday, May 21, 2012

Jessica Sanchez and Phillip Phillips will perform 3 songs on American Idol Final Showdown


TIGATLONG kanta uli ang ipamamalas nina Jessica Sanchez at Phillip Phillips, para sa finale ng American Idol Season 11 sa darating na Miyerkules (Mayo 23), sa Nokia Theater sa Los Angeles.

Ito ang inanunsyo kaninang umaga ng American Idol producer na si Nigel Lythgoe ukol sa magiging tema ng face off ng Filipino-Mexican-American singer at ng Amerikanong si Phillips.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Lythgoe na tig-3 kanta muli ang aawitin ng dalawang finalists at isa sa mga ito ay pinili ng Idol creator na si Simon Fuller.
Pipili rin sina Sanchez at Phillips sa mga awiting kinanta na nila sa buong kompetisyon at isa sa mga isinusuhestiyon para kay Jessica ay ang hinangaang “I Will Always Love You” ni Whitney Houston.

Maalala na sa kanyang nasabing performance ng naturang hit song, binigyan ng standing ovation ng American Idol judges ang half-Pinay singer bukod pa sa tumatak ang naturang performance ni Jessica sa buong season.

Ang huling aawitin nina Phillips at Sanchez sa face off ay ang bagong kanta na siyang magiging official at bagong recording single ng Final 2 contestants pagkatapos ng kompetisyon.

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search