Thursday, May 24, 2012

'Hiyas' ng ABS-CBN naantala dahil sa 'Amaya'


ISA na namang naiibang teleserye ang matutunghayan ng publiko sa Lunes, May 28 sa ABS-CBN ang Precious Hearts Romances—Hiyas na magtatampok kay Megan Young.

Last year pa natapos ang teleseryeng ito na pinagbibidahan din nina Zanjoe Marudo, Edward Mendez, at Mercedes Cabral. Pero ngayon lamang maipalalabas dahil ayon sa isa sa mga director nitong si Ted Boborol (Kasama ring director dito sina Cathy Camarillo at Adolf Alix Jr.), fiction lamang ang Hiyas at ayaw nilang maisabay ito sa Amaya ng GMA 7 na based on facts.

“Natagal po itong Hiyas, hindi dahil sa natagalan ng shooting. In fact, matagal na po itong natapos. Naghahanap lang po ang management ng correct timing. Bale three or four months lang po ang ginawa naming taping. And we don’t want to compare to other tribal show kaya po hindi kaagad ito naipalabas,” paliwanag ni Direk Boborol.
Samantala, hindi naman pinagtutuunan ng pa nsin ni Megan kung natagalan ang pagpapalabas ng Hiyas bagkus, thankful pa rin siya dahil sa magandang proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng Kapamilya Network.

“Right timing lang siguro ang kailangan. I guess, you can’t really expect things to happine the way you want it.

“Basta ako, focus ako ngayon na maipalalabas na ang Hiyas. Ine-enjoy ko ang lahat-lahat ng ibinibigay sa akin. Kasi before, kontrabida lang ako, inaapi, ngayon lead actress na. It’s a good feeling they trusted me to do this project,” paliwanag ni Megan.

Ang Hiyas sa teleseryeng ito ay simbolo ng kasaganaan ng isang tribu na pinaniniwalaan nilang nakatutulong sa kanila para magkaroon ng magandang pamumuhay.

Dalawang magkaibang mundo at dalawang magkaibang pagkatao ang magtatagpo sa iisang tadhana, magsasalo sa iisang damdamin, at madadarang sa iisang pagkakasala.

Sundan ang kuwento ng magiting na mandirigmang si Silang (Zanjoe) na ang tanging hangad lamang ay mapakasalan ang babaeng iniibig mula sa kabilang tribu na si Giana (Mercedes). Sa kasamaang palad ay hindi sang-ayon ang ama ni Giana sa kanilang pag-iisang dibdib dala na rin ng alitang mayroon ito sa kalabang tribu na siya namang pinamumunuan ng ama ni Silang.

Nagsimula ang hidwaan ng mawala ang hiyas na nagsisimbulo ng kapayapaan at kasaganaan sa kanilang lugar. Upang payagan si Silang na mahingi ang kamay ni Giana, kinakailangan niyang mahanap ang hiyas, hindi lamang para sa sariling interes kunndi para na rin mapanumbalik na ang pagkakasundo ng dalawang tribu.

Kaya naman tutungo si Silang sa siyudad para subukang hanapin ang nawawalang hiyas. Sa kanyang pakikipagsapalaran, magku-krus ang landas nila ni Sapphire (Megan), isang maganda, may pinag-aralan, at mayamang babaeng dapat sana’y ikakasal na sa kasintahang si Aldrich (Edward) na hindi nakasipot sa mismong araw ng kanilang kasal.

Sa hangaring makawala at makalimot sa sakit at kahihiyang inabot dala ng naudlot na kasal, sasama si Sapphire pabalik sa tribu ni Silang at dito na magsisimulang mahulog ang kanilang loob sa isa’t isa. Lingid sa kaalaman nila na nahuhulog din pala sila sa isang malalim na pagkakasala bunsod ng ginagawang paglabag ni Silang sa kasunduan.

Ano ang kahihinatnan ng kanilang pagmamahalan? Ito ba ay kanilang ipaglalaban? Pipiliin ba ni Silang na sundin ang tungkuling labag sa isinisigaw ng kanyang damdamin? Sa paghahanap ng pag-ibig na wagas, mahanap na niya kaya ang tunay na hiyas?

Kaya huwag palalampasin ang seryeng magpapalagablab sa inyo tuwing hapon, ang Precious Hearts Romances presents Hiyas, sa Lunes (May 28) pagkatapos ng PBB Teen Edition 4 Uber sa mas umiinit at mas kumikinang pang Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search