Sunday, April 22, 2012

Wilma Galvante nasa bakuran na ng TV5?

Mabilis na kumalat ang balitang nasa TV5 na si Ms. Wilma Galvante bilang consultant ng network. Si JC de Vera agad ang naalala namin dahil ibig sabihin, pareho na silang taga-Kapatid network ng TV executive na rason nang pag-alis niya sa GMA 7.

Sa pinakahuling press visit namin sa set ng Valiente, natanong si JC kung babalik siya sa GMA 7 once his contract with TV5 expires dahil nag-retire na si Ms. Wilma? Ang sagot ng actor ay “kung tatanggapin nila ako. Pero masaya ako sa TV5, dito muna ako at dito ang puso ko.”

Hanggang March 2013 pa ang kontrata ni JC sa TV5, may one year pa siya at wish nitong i-renew ang kanyang kontrata dahil naibibigay sa kanya ang nababagay sa kanya at hindi siya nababakante ng trabaho.


Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search