Wednesday, April 4, 2012

Sarah Geronimo, hindi na pwedeng mag-concert sa Araneta Coliseum ?

ON REMATE: MAY chikang kumakalat ngayon na problemado raw si Boss Vic del Rosario dahil kahit na kaibigan pa nito ang part owner ng Smart Araneta Coliseum na si Mr. Manny Pangilinan, hindi na raw puwedeng mag-concert sa nasabing venue ang alagang si Sarah Geronimo. Kasi nga, matagal na itong endorser ng Globe Telecommunications at mahigpit itong kalaban ng Smart ni MVP.
So, in a way, may conflict talaga kapag nagdaos pa ng show ang Pop Star Princess roon. Kaya as of now, no choice na raw si Boss Vic kundi hanapan na lang ng ibang venue ang talent na itinuturing nitong goldmine.

Well, ang masasabi namin, saang venue mo man ilagay si Sarah tuwing may concert ito ay panonoorin pa rin siya ng milyun-milyon niyang tagahanga. Maraming beses nang napatunayan ng sikat na young singer-actress/TV host ang pagiging SRO Queen sa mga concert na ginawa nito sa Araneta Coliseum.
Teka, pa’no na si Vice Ganda? Banned na rin ba ito sa Big Dome dahil endorser rin siya ng Globe? Just asking lang gyud!




Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

4 comments:

  1. . ,kahit saang venue mapupuno pa din ni sarah. She's the best among the rest. No pressure yan. Maraming venue other than Araneta.

    ReplyDelete
  2. sa sm moa arena na

    ReplyDelete
    Replies
    1. pwede sa MOA Arena...pero sa May pa daw matatapos yun.. at si Lady Gaga ang unang magko-concert sa nasabing lugar.

      Delete
  3. kahit saan e held yan tsak parin n dadagsain yan ng manonood..

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search