Saturday, April 21, 2012

Ogie Alcasid, Bitoy at Marian Rivera, tatapatan sina Sarah Geronimo at Vice Ganda

DETERMINADO ang GMA-7 na makabawi sa ratings tuwing Linggo ng gabi sa paglulunsad ng dalawang bagong shows sa susunod na buwan.


Kinompirma ng isang taga-Siete na nag-taping na sina Ogie Alcasid at Michael V ng bagong musical talk show na may parehong format sa Gandang Gabi Vice ng ABS-CBN.

Balak nga ng Siete na itapat ang show nina Ogie at Bitoy sa GGV at sa Sarah G Live ni Sarah Geronimo.

Bukod sa show nina Ogie at Michael V., malapit na ring mapanood tuwing Linggo ang bagong sitcom ni Marian Rivera, na makakasama niya sina Roderick Paulate at ang sikat na chef na si Pablo “Boy” Logro ng Kusina Master.

Matatandaang dating nagkaroon ng sitcom si Marian, kasama si Pambansang Kamao Manny Pacquiao, ngunit tsinugi ito ng Siete dahil inilampaso ito sa ratings ng show ni Vice.

Umaasa ang Siete na kaya nina Ogie, Bitoy, at Marian na pataubin hindi lang sina Sarah G at Vice, kundi pati na rin ang Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo at Extreme Makeover Home Edition ni Paolo Bediones na nagsimulang umere noong Linggo sa TV5.
Sa ngayon, panay mga pelikula at specials ang palabas ng GMA tuwing Linggo ng gabi mula noong nagwakas ang Pepito Manaloto ni Michael V at hindi rin umubra sa ratings ang iba pang mga nasibak na Sunday shows ng Siete tulad ng Andres de Saya, The Protégé, Mind Master, at Sanib Puwersa.




SOURCE: HATAW
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

1 comment:

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search