Thursday, April 12, 2012

Nora Aunor gusto nang makipagbati kay Charo Santos

ON TABLOID: MALIBAN sa maging seryoso at propesyonal na sa kanyang trabaho, balak din daw ni Nora Aunor na makipagbati na sa mga taong nakasamaan nito ng loob. Actually, iilan lang naman ang mga taong ito at kabilang na riyan ang tinalikuran na lang nang basta-basta ni Ate Guy na si Ma’am Charo Santos-Concio na presidente ng ABS-CBN

Matatandaang grabe ang isinakripisyo noon ni Ma’am Charo para matuloy lang ang mga taping ng Superstar sa top-rating teleserye nila noon ni Carol Banawa na Bituin.

Ayaw na naming mag-elaborate pero sigurado kaming alam na alam ito ni Ate Guy. Di ba, Mana’y Celia Rodriguez? Kaya kung may nasaktan talaga nang husto ang aktres, si Ma’am Charo ‘yun.

Pero teka, sa listahan ng mga taong gustong makabati ni Ate Guy, wala raw roon ang namesung ni Manang Cristy “Tsugi” Ferminata. Meaning hate na hate talaga ng nag-iisang Superstar ang oslang orocanang TV host. Sino ba naman kasi ang hindi masusuka sa pag-uugali ng tulaera at makalumang kolumnistang ito eh, napakababoy nitong manlait ng kapuwa niya? Porke starlet lang sa paningin niya si John Rendez, kung alipustahin niya ito sa kanyang mga bilasang kolum ay para bang isang patay-gutom o hampaslupa. At si Nora mismo, hindi lang niya ito sinisiraan kundi tinanggalan pa ng dignidad. The height! Isulat ba naman ng Ferminatang ito na dahil lulong na sa casino sa Tate si Ate Guy, nati-take na raw nitong magpa-alalay sa isang donya roon kung saan tagabitbit na lang siya ng bag nito.
Grabe! Superstar ng ating bansa ang niyuyurakan mo, Tsugi Queen! Wala ka talagang respeto.

Ano’ng klaseng nilalang ka ba talaga? Just asking lang gyud!


SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search