Thursday, April 19, 2012

Ara Mina sinampahan ng kaso si Cristine Reyes

MARAMI ang nagulat sa pagsampa ni Ara Mina ng kasong Libel at Grave Coercion laban sa younger sister na si Cristine Reyes.
Kasama ni Ara ang kanyang abugadong si Atty. Enrique V. dela Cruz Jr., nag-file sila ng natu­rang kaso kahapon sa Quezon City Hall of Justice. Hindi raw ito ipinaalam ni Ara sa kanyang mommy at sa Viva Artists Agency na nagma-manage sa kanila ni Cristine.

Ayon kay Ara, masakit man sa kanyang gawin iyun at pangit man tingnan na dinidemanda ang sariling kapatid, pero kailangan niyang gawin para mabigyan ito ng leksyon.

Bago pa raw mag-­Holy Week, nagti-text daw sa kanya si Cristine ng mga masasakit na salita. Tinawag daw siyang laos, bobo at iba pang pambibintang na hindi na niya masikmura.Pati raw mga kaibi­gan niya kagaya ni ­Mayor ­Patrick Meneses ay ­tini-text daw ni Cristine at ­sinisiraan siya.

Hindi ko tiyak kung accurate ang nakalap na­ming kuwento, pero ayon sa mga napagtanungan namin, nagsimula ang away ng magkapatid nang ibinili nila ng bahay ang kanilang Mommy. 
Si Cristine daw ang nagbayad ng P1M down payment, at si Ara ang nagbayad ng balanse. Si Cristine daw ang may hawak ng titulo ng bahay pero nakapangalan pala kay Ara. Nagalit daw si Cristine kaya sinisingil si Ara ng P1M na dineposit niya.

Hindi raw nagbayad si Ara, kaya kinukuha na lang daw ni Cristine ang kotseng GMC na ayaw raw ibigay ni Ara. Napadalas na raw ang away nila at kung anu-anong paninira raw ang mga pinagsasabi ni Cristine.

Walang hinihinging danyos si Ara sa isinampa niyang kaso laban sa kapatid. Gusto lang daw niyang mabigyan ito ng aral dahil lumalaki na raw ang ulo nito. Umiiyak si Ara na nagpa­liwanag sa media kung bakit niya ito ginawa.

As of presstime, wala pa ­kaming nakukuhang reaksyon mula kay Cristine. Wala raw itong kamalay-­malay sa ginawa ni Ara, pati ang ilang ­taong malapit sa kanila



SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search