Friday, April 20, 2012

Airing of Sharon Cuneta's new show on TV5 still a mystery

MATATAPOS na ang April and pretty soon, June na naman. Pero hanggang ngayon, waley na ring balita kung kelan ipalalabas ang unang show ni Sharon Cuneta sa TV5
Unang nabalita na February ang telecast pero dumating na ang Marso, clueless pa rin ang lahat kung anong buwan ito ipalalabas, huh!

Ang lakas-lakas pa naman ng momentum nang sumabog ang balitang lumipat si Shawie sa Kapatid Network. 

Isa ’yon sa napag-usapan nang humarap ang megastar sa press kaugnay ng pre-Valentine concert ni Sharon with Martin Nievera. 

Pero wala pang detalye that time na napag-usapan kundi ang P1-B talent fee niya.

Sa Twitter account nga lang ni Sharon kami nakakakuha ng updates sa talk show niya. Pang-hapon ’yon at solved siya sa naging konsepto nito. 

Hanggang sa mas napag-usapan ang pagsagot ng megastar sa mga basher niya pero ’yung linaw ng show niya, lumabo nang lumabo.
Ang huling balita namin, naging guest ni Sharon sa isang episode sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Ni-renovate ang dating Delta Theater upang maging permanent studio ni Sharon.

Pero kung kelan eere ang talk show, ’yan ang malaking tanong sa amin pati na rin siguro ngfollowers ni Sharon, huh!



SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search