Wednesday, February 15, 2012

Shalani may sariling segment sa bagong noontime show ng TV5

Itsurang umuulan noong Lunes, lumabas ako ng bahay at nagpunta sa production meeting ng noontime show na bubuksan ng TV5.

Hindi ko puwedeng isnabin ang meeting dahil kasali sa bagong show ng TV5 si Shalani Soledad kaya sinamahan ko siya.

Ang TV5 ang produ ng noontime show at ang mga executive ang namili sa mga host na mapapanood mula Lunes hanggang Sabado.

May sariling segment si Shalani pero saka ko na sasabihin kapag may go-signal na ako.

Idea ni Papa Manny Pangilinan ang concept ng noontime show na wala pang definite title.
Walang intensiyon ang TV5 na kalabanin ang Eat Bulaga.

Naglagay sila ng noontime show dahil it’s a must na magkaroon nito ang bawat television network.

Ngayon ang big launch ng mga bagong TV show ng TV5 at invited ako. Malayo ang venue pero hindi ko puwedeng dedmahin ang imbitasyon dahil present sa magaganap na bonggang launch si Shalani.

Mabuti nang present ako or else, baka kung anik-anik ang itanong kay Shalani ng mga reporter na hindi nawawalan ng mga intriguing question.

source: Pilipino Star Ngayon

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search