NAKAGUGULAT na ipinalabas muli ang hit series na “It Started With A Kiss” (isang Chinovela na hango naman sa isang Japanese manga) sa GMA-7.
Mayaman naman ang station na ito, pero bakit kaya kinuha nila ang nasabing Chinovela na una nang ipinalabas sa ABS-CBN 2 noong 2006?
Inulit pa nga ito ng Dos noon nang sumunod na taon (2007) at ang maganda pa ay isinunod ang sequel nito na “They Kiss Again” kung saan nag-mature na ang mga bidang karakter na sina Jeannie at Michael (na ginampanan ng mga sikat na sina Ariel Lin at Joe Cheng, ka-love triangle ang sikat din na miyembro ng Fahrenheit na si Jiro Wang).
Ilang taon na ang nakalilipas kung tutuusin at maraming magaganda at bagong Chinovela, Koreanovela at Japanese novela. Pero napili ng GMA-7 ang It Started With A Kiss na ipalabas.
Kahapon (Pebrero 20) ito nagsimula sa Siyete at iniba ang mga pangalan ng karakter. Arianne na ang pangalan ni Ariel Lin at Joseph naman ang name ng guwapong si Joe Cheng.
Maaaring nagandahan ang GMA-7 sa istorya ng It Started With A Kiss kaya nila ito kinuha. Tama ba?
Kung matatandaan, hindi ito ang unang pagkakataon na nagpalabas ang GMA-7 ng programa na naiere na sa Dos.
Naalala ninyo ba sina Dao Ming Zi (Jerry Yan) at Shan Cai (Barbie Hsu), kasama sina Hua Ze Lei (Vic Chou), Xi Men (Ken Chu) at Mei Zuo (Vanness Wu)?
Taong 2007 (yata) nang ipalabas ng GMA-7 ang super Taiwanese hit series na Meteor Garden (pinagbidahan ng Taiwanese boy band na F4) na unang ipinalabas sa Dos noong 2003. Ilang beses na inulit ito sa Dos at ipinalabas pa ang sequel nito.
Ang Meteor Garden lang naman ang nagpataob ng bonggang-bongga sa Siyete noon. ‘Di kaya nakaporma ang Siyete noon sa Dos kahit na mega hit din ang itinapat nila dito na “My MVP Valentine.”
Bakit kaya sila mahilig mag-ulit ng programa na ipinalabas na sa Dos? Nagtatanong lang po?
ABS ANG DAKILANG PIRATA NG MGA TALENTS NG GMA. BAKIT? AKALA KO BA NUMBER 1 SILA? BAKIT SILA KUMUKUHA NG PINASIKAT NG KALABANG NETWORK? DI BA MAGALING KAMO SILANG MAG DEVELOP NG TALENTS AT MARAMI RIN SILANG HOMEGROWN TALENTS. MY GUESS IS AS GOOD AS YOURS. LOL!
ReplyDeleteNatural lang po yan na may kompetisyon, negosyo kasi. Ang sisihin mo ay yung mga sikat kuno na talents ng GMA na lumilipat sa ABS-CBN. Eh paano namang di lilipat, mga bigatin kasi talents ng ABS-CBN, gusto nila mag grow, gusto nila may challenge, at alam nila na doon sila nababagay sa totoong number 1. Yung mga ratings sa inyo na kasi yun lang ang mayroon kayo.ha ha ha.Pati na TFC ginaya na ng GMA. bwahahaha. Patunay lang na di nyo pa kaya pantayan ang KAPAMILYA network. The largest and true number 1 sa lahat ng Pilipino WORLDWIDE!!!!!!!
ReplyDeleteSINONG SIKAT NG SYETE ANG PINIRATA NG DOS??????PASALAMAT KAYO DAHIL KINUKUHA NG DOS YUNG MGA TALENTS NYO NA LAOS, AT NIREREPACKAGE LANG NG DOS PARA SUMIKAT, KAYA NAGING SIKAT. SINO NAMAN TANGANG ARTISTA ANG MAGTYATYAGA SA NETWORK NA WALANG ALAM IPAGAWA KUNDI MGA POCHOOO POCHOOO ROLE SA MGA TELESERYENG EWAN?????? MAGBIGAY NGA KAYO NG PELIKULA NG MGA TAGA SYETE NA UMABOT SA 300 M. IBIG SABIHIN NYAN MAS SIKAT TALAGA AT MAGALING MAG ISIP ANG MGA TAGA DOS. DOS POR DOSIN KO KAYO EH!
ReplyDeletetama po kayo. di kasi marunong mag isip mga kapuso, puro puso ginagamit. paminsan minsan makinig kayo sa kapamilya nyo na gamitin naman mga utak nyo. wag kayong bobo, laging naniniwala sa sabi sabi na wala namang basehan.
ReplyDelete