Saturday, February 18, 2012

Derek disappointed sa ABS-CBN

MANILA, Philippines - Finally, nagsalita na ang guwapong aktor na si Derek Ramsay ukol sa isyung lilipat na siya sa Ka­pa­tid Network. Sa kasalukuyan kasi ay nakakontrata pa siya sa ABS-CBN at magtatapos ito ngayong end of February.

“My God, wala pa. May kontrata pa ako sa ABS-CBN, ’no? Hanggang end of February (this year) ang contract ko. After that, I will consult my family and will make a decision,” say ni Derek sa kanyang interview sa March issue ng The Buzz magazine.

Pinanindigan ng aktor na totoong may offer sa kanya na mag-ober da bakod pero sakaling gawin niya ang bagay na iyon ay ito ay para sa kanyang career at hindi dahil sa laki ng pera na ini-o-offer sa kanya.

“Meron naman (offer). Pero ang daming nagsasabi, pera-pera. Hindi ako mukhang pera. If I make a decision, it would be more on saan pupunta ang career ko. Kung ano ang mga projects na gagawin ko. Ang tagal ko nang wala sa TV, ’di ba? Almost two years na akong wala sa TV. My last soap wasMagkaribal,” pahayag pa nito.
Kuwento pa nito, tinanggihan niya ang afternoon series na Reputasyon dahil naka-commit na siya sa dalawang pelikula last year, ang — No Other Woman and Praybeyt Benjamin.

“My word is more important than anything else. Umoo ako sa dalawang pelikula. Hindi ko puwedeng talikuran dahil binigyan ako ng proyekto,” sambit pa ng aktor.

Sa balitang may malaking tampo siya sa ABS-CBN dahil sa kawalan niya ng regular show sa dito, say ni Derek, “Tampo sa ABS-CBN? Hindi tampo eh. I had disappointments with some sort of things that happened pero I’m also thankful na binigyan nila ako ng maraming trabaho. They partnered me withJudy Ann Santos, and kung hindi dahil kay Judy Ann, sa partnership with Judy Ann, I wouldn’t be where I am now.

“So, there are things that went right. There are things that went wrong. Ganoon naman lagi eh. This is a business and it’s not always smooth sailing. And I’ve been vocal naman with my disappointments sa ABS-CBN. But there are things that I want to look at,” paliwanag pa nito.


Diin pa niya, may mga proyekto kasi siyang gustong gawin pero hindi nga maibigay sa kanya ng Kapamilya Network pero nananatili pa rin naman ang kanyang loyalty sa ABS-CBN.

“Yeah, because I’m under contract with ABS-CBN and that’s how I was brought up. Tatapusin ko ang lahat ng commitments ko. Hindi puwedeng ano... papatayin ako ng daddy,” natatawang pahayag pa ng hunk.


SOURCE
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search