Friday, January 13, 2012

Iza Calzado at Carmina Villaroel magiging Kapamilya na!: Mac Alejandre magiging Kapatid Director na!




Pagkatapos makuha ng TV5 ang mga bigating artista ng Kapamilya Network tulad ni Aga Muhlach,Willie Revillame, Maricel Soriano at Sharon Cuneta. Ngayon naman ay isang Kapuso Director na si Mac Alejandre, ang director ng 'Amaya', ang kanilang sinusuyo. Siya raw ang magdidirek ng isang serye sa Kapatid Network kung saan tampok si David Archuleta.

Samantala, Kumpirmado nang nakuha ng ABS-CBN ang mga kapuso artists na sina Iza Calzado at Carmina Villaroel. This month ay pipirma na ang dalawa ng kontrata sa Kapamilya Network. Balik kapamilya rin Patrick Garcia. At lumundag na nga sa bakuran ng TV5 si Edu Manzano.

Sa lipatang nagaganap ngayon, mukhang ang Kapuso Network ay patuloy na nababawasan ng mga artista at talents. Kung hindi aaksyon ang GMA-7 ay baka isang araw ay maubusan na lamang sila ng bigating artista at talents.
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search