Monday, January 30, 2012

GMA-7 nahanap na ang kanilang Biriterang Child Star

Sa susunod na buwan pa magiging 10 taon si Roseanne Magan pero agad ay ginawa siyang bida at ibinigay sa kanya ang title role sa bagong teleserye ng GMA-7 na Biritera.
Kuwento ng isang batang singer na si Roseanne na nangangarap sumikat at makilala. Tatangkain siyang ipalit ni Mr. D (Ryan Eigenmann), isang kilalang ta­lent manager na namatayan ng isang sikat na alagang singer na kapangalan ni Roseanne. Pero sa unang pagkikita nila sa isang amateur singing contest ay natalo agad ito kaya nawalan ng interes sa kanya ang talent manager.

Hindi batid ni Mr. D na nakunan pala ng video ng nakasama niyang bokalista ng sikat na banda na si Andrei (Dennis Trillo) habang kumakanta si Roseanne (Roseanne M.). Inilabas niya ito sa Internet at nagbigay ito ng instant success sa bata. Pero may problema sila dahil ang itinuturing na ina ni Roseanne na si Remy (Angelika dela Cruz) ay tutol na mag-singer ito. Mas gusto nitong makatapos ang bata ng pag-aaral.

Love interest ni Dennis sa serye si Glaiza de Castro, gumaganap ng Mikaela at kasamahan niya’t drummer sa banda nilang Bridge. Hindi lamang mapapasabak ang dalawa sa aktingan. Kailangang ilabas din nila ang talent nila sa pagkanta. Bokalista dati ng sarili nilang banda si Glaiza. First time humawak ng drums pero agad naman niya itong nakagamayan.




Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search