INSULTO ba yung pagtanggi ng GMA-7 na i-guest si Vice Ganda?
Kung kami ang tatanungin, hindi.
Nakiusap kami sa isang radio broadcaster ng DZBB kung puwedeng papuntahin ang mga taga-Fontana Leisure Parks para i-plug ang Party… Party with Vice Ganda concert nila, pero tumanggi sila. Kesyo, hindi raw puwede si Vice Ganda dahil obviously nga naman, prime talent ito ng ABS-CBN na kalaban nilang network. Siyempre, we can easily understand yung alibi, pero ngayong super hit ang naturang concert, yes dami ng taong nanood, ay naisip naming kawalan yun ng GMA-7. Imagine, Vice Ganda, pinalampas nila?
Sa ngayon, premier artist si Vice at karangalan nino mang magkaroon ng connect sa kanya. Pero kung sadyang inayawan dahil sa insecurity, okey lang, sila ang nawalan ng kinang at hindi si Vice Ganda.
They will never have a single talent na puwedeng pumantay sa kanya. Sa ngayon, lahat ng talent nila ay starlet kapag ikinumpara sa number one talent ng ABS-CBN.
Lest we forget, kung tumanggi ang GMA-7, open heart namang nagbukas ng pintuan ang iba pang radio shows sa iba’t ibang radio networks in Pampanga and in the mainstream. Unang bumisita’ng Fontana staff sa GV FM and AM sa Angeles City where we also maintain a radio show as the Boy Abunda of Pampanga (thank you to Congressman Tarzan Lazatin for this very wonderful and catchy monicker). Thank you, Mr. Deo Sambilay and Mr. Arnel Panganiban for giving precious time to the Fontana staff.
Also to DZMM, through the MISMO show of Jobert Sucaldito and Ahwell Paz who took time to share sa plug ng concert ni Vice Ganda, talagang iba ang pakikipagkaibigan ng mga friends naming ito. Also to Fernan de Guzman aka Ms. F, dahil sa oras na ibinigay niya para matalakay sa programa niyang Wow, Ang Showbiz sa DWIZ.
Welcome po kayo sa Fontana anytime you wish to relax. Welcome din naman ang mga taga-GMA-7 para maipakita namana naming sa Fontana, hindi nagdaramot ang mga tao rito.
No comments:
Post a Comment
Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!