Wednesday, January 11, 2012

Angel Locsin at Marian Rivera magsasama sa isang pelikula?




MASAYANG BALITA ang ipinalabas ng TV Patrol noong Lunes ng gabi. Habang ibinubunyag nila kung sinu-sino ang mga artistang lilipat na sa Kapamilya Network, nabanggit din ang inaayos na pagsasama diumano nina Angel Locsin at Marian Rivera sa isang pelikula.

Dahil dito, agad na-excite ang mga fans (at detractors) ng dalawang bituin. Nag-umpisa ang ‘friendly competition’ ng dalawa nang lisanin ni Angel ang GMA-7 para lumipat sa ABS-CBN. Dahil dito, nabigyan ng break si Marian Rivera at siya ngayon ang itinuturing na Primetime Queen ng Kapuso Network.

Wala namang personal na bangayan sa pagitan ng dalawa, pero madalas magsalpukan ang kani-kanilang fanbase. Siguradong tiba-tiba ang mga producers ng proyektong ito ‘pag nagkataon!

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

1 comment:

  1. hindi sila pwedeng pagsamahin kc mahahalatang hindi marunong umarte si marian rivera

    lalamunin lang siya ni angel ng buong-buo

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search