Wednesday, December 14, 2011

Vice Ganda signs a two-year exclusive contract with ABS-CBN




Kapamilyang Tunay na si Vice Ganda dahil pumirma na ito ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN noong December 12, 2011. 

Sa contract signing na itanong kay Vice Ganda ng 'Push', kung kamusta na siya matapos nga niyang humiwalay sa poder ni Ogie Diaz bilang manager niya. “Hindi naman kami nagkaroon ng problema o hindi kami nahirapan kasi smooth naman yung pagtu-turn over from lahat ng mga trabaho at lahat ng obligasyonfrom Ogie to Sir Deo maayos naman at saka alam ko naman na I am in good hands kasi kaming dalawa ni Ogie ang nagdesisyun nito e.”

Natanong din kay Vice kung naging mahirap ba sa kanya na tuluyang umalis dahil bukod sa manager niya si Ogie, kaibigan niya pa itong matalik. “It wasn’t hard at all dahil hindi nga ito biglaan e, naging proseso siya, proseso naming dalawa ni Ogie. Hindi mahirap, hindi kami nag-away. Maganda yung naging pag-uusap namin, saka nagtutulungan kami, hanggang ngayon tinutulungan pa rin naman ako ni Ogie e. Wala namang nagbago masyado e parang yung trabaho lang naibigay lang kay Sir Deo pero yung relasyon namin parang wala namang masyadong nagbago.”
At nang mapunta sa usapin ng kung may worries siya sa kanyang karir sa darating na taon, aniya, “Hindi na ako natatakot kasi ano e, last year nung pagdating ng taon na ito 2011 natatakot ako kasi parang ang bongga ng 2010 tapos nung sumobra pa sumagad hanggang 2011. Hindi mo pa rin talaga masasabi ang best year mo because the best is yet to come.”


source
Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search