Monday, November 28, 2011

Sam Milby, Derek Ramsey and KC Concepcion to transfer to TV5?



Simula ng pumirma ng kontrata si Megastar Sharon Cuneta sa TV5 ay may naglabasan pang ibang pangalan ng artista mula sa ABS-CBN na may balak lumipat sa Kapatid Network sa susunod na taon, 2012. Kaya sa pamamagitan ng blog na ito ay hihimayin natin ang mga posibilidad ng paglipat ng mga nasabing Kapamilya Artist.

Una sa listahan ay si Derek Ramsey, na magtatapos ang kontrata sa ABS-CBN sa susunod na taon. Wala pang nakalinyang gagawin si Derek Ramsey sa Kapamilya Network simula nang maudlot ang next season ng Pinoy Biggest Loser dahil nga sa paglipat ni Megastar sa TV5. May posibilidad na lumipat nga ito si Derek Ramsey sa TV5 dahil sa pwede nating sabihin na may hinanakit si Derek sa kanyang Home Network dahil sa hindi siya nito naproteksyunan sa lumabas na expose ng ABS-CBN News Department via 'TV Patrol' na siya ay ikinasal na sa isang babae at hindi iyon si Angelica Panganiban na kanyang current GF ngayon.

Pangalawa ay si KC Concepcion, na anak ni Sharon Cuneta. 50-50 ang basa namin dito sa paglipat ni KC sa TV5 dahil una sa lahat, may proyekto siya sa ABS-CBN which is yung 'Alta' na pagsasamahan nila ni Gretchen Barreto. Pangalawa, maqganda ang tinatakbo ng career ni KC sa Kapamilya Network...meron siyang 'The Buzz' at magkakaroon pa ng soap. Pero dahil nasa TV5 na nga ang ina nitong si Sharon ay may posibilidad nga ang paglipat ng dalaga. Kaya medyo 50-50 ang paglipat nitong si KC sa bagong tahanan ng kanyang ina.

Pangatlo ay Sam Milby, Wala kaming nakikitang rason para mag-isip na lumipat itong sa Sam Milby sa TV5 dahil una ay may nakahanda sa kanyang soap at movie pero inayawan niya ito dahil nagbabalak siyang pumasok sa Hollwood next year. At kung hindi man magtagumpay si Sam sa Hollywood ay sa tingin ko ay sa ABS-CBN pa rin ang balik nito...unless, ay hindi na kuntento si Sam sa kanyang TF sa Kapamilya Network.

Kayo sa tingin niyo sino sa Tatlong ito ang for sure ang lilipat sa TV5?

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

1 comment:

  1. feeling ko si derek lang ang lilipat

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search