Monday, June 27, 2011

Richard gutierrez binawasan ng talent fee ng GMA-7! Annabelle Rama galit na galit!!



Nasa fighting mode pa si Tita Annabelle Rama nang makatsika namin sa birthday dinner ni Jojo Gabinete sa CafĂ© Juanita last Saturday. Nagliliyab ang galit niya kay Ms.Wilma Galvante, vice president for entertainment of GMA 7. Kasi pala binawasan ng more than P1 million ang talent fee ng anak niyang si Richard Gutierrez eh may sakit ito kaya hindi nakapag-taping ng ilang araw para sa Captain Barbell at pakiramdam niya ang nasabing exec ang may pakana ng lahat.
“Hindi ba puwedeng magkasakit ang isang tao?” tanong agad ni Tita Annabelle.
Ang pakiramdam niya, entitled ang anak ng sick leave dahil guaranteed contract ang pinirmahan nito sa network.
Bago namin siya nakatsikahan sa nasabing dinner, nauna na siyang nagpadala ng mga text messages tungkol sa matindi niyang galit kay Ms. Galvante.
“Hinahamon kita sa lahat ng gusto mong away. Mabait akong kaibigan, demonyo akong kaaway,” last part ng kanyang text message na ayon sa kanya ay walang ginawa ang kanyang maid last Saturday morning kundi ang mag-text sa mga kaibigan tungkol sa ‘ginawa’ nga na pagbawas ng talent fee ni Richard.
“Kasi ako, hindi takot kahit kanino basta tungkol sa anak ko. Pinaghirapan ko silang ilabas kaya ipaglalaban ko hanggang buhay pa ako,” kasama sa text message niya.
Matagal na ang nasabing away nila ng TV exec na umabot pa sa demandahan.


SOURCE: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=700206&publicationSubCategoryId=96 

No comments:

Post a Comment

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search