Friday, June 10, 2011

Dingdong Dantes nagalit sa staff ng Powerhouse ni Mel Tiangco




Nagalit at muntikan nag mapamura ang Kapuso Star na si Dingdong Dantes dahil daw sa pakikielam ng mga GMA Staff sa ayos ng sala nito. Dahil iinterbyuhin nga sana si Dingdong Dantes para sa show ni Mel Tiangco na "Powerhouse" sa GMA News TV. Dahil sa wala na sa mood si Dingdong ay hindi na itinuloy ang taping.

here's the report from Pinoyparazzi.com:
NAPAMURA PALA TALAGA si Dingdong Dantes dahil sa matinding galit nang pakia-laman ang mga bagay sa kanyang sala nang mag-set ng interview ang isang show ng GMA News TV.
Nagulat ang actor nang makita niyang nabago ang ayos ng kanyang sala matapos itong pakialaman ng staff ng GMA-7. Sa tindi nga raw ng galit ng actor ay bigla itong napasigaw, napamura at kinuyumos ang kanyang kamao. Na-shock nga raw ang lahat ng GMA staff na naroon. Bigla silang tumahimik. Never daw kasi nilang nakita nang ganoon si Dingdong na kilalang matimpiin at hindi kailanman nagpakita ng galit.
Iyan ay kuwento sa amin ng isang GMA insider na naroon ng mga oras na iyon kaya hindi n’yo kami maaakusahan na nag-imbento.
Wala pa ang host ng programa na siyang mag-i-interview kay Dingdong noong mga oras na iyon at hindi na ito tumuloy pa sa bahay ng actor dahil alam niyang mainit na talaga ang ulo ng dyowa ni Marian Rivera. Ayun, na-cancel tuloy ang
taping.
Nagtataka lang kami, bakit ba pinakialaman ng staff ng GMA ang mga gamit ni Dingdong sa sala at inayos ito ayon sa kagustuhan nila? Sino ang nag-utos na gawin nila ito? Aba, kung parati nila itong gagawin na hindi alam ng kanilang iinterbyuhin ay talaga ngang magagalit ang artistang bisita nila.
Naiintindihan namin ang inasal ni Dingdong. Siyempre, talagang nakakainit ng ulo na ang mga bisita mo lamang ay makikialam sa design ng iyong sala gayong hindi naman ito ipinagpaalam sa iyo. Any which way we look at it, kawalan iyon ng respeto.
Bakit hinahayaan ng GMA na mangyari ito sa isang katulad pa man din ni Dingdong na prime ar-tist nila?
Sabi sa amin, nakausap naman si Dingdong ng host ng programa. Nag-sorry rin ang staff ng show na nakialam sa ayos ng sala ng actor.
Dapat lang, ‘no!
Eh, ano ba ‘yung show na nakialam sa bahay ni Dingdong? Ano pa kundi ‘yung Powerhouse hosted by Mel Tiangco.
Teka, bakit nga ba walang report ang GMA tungkol sa issue na iyan? Akala ko ba wala silang kinikilingan, walang pinoprotektahan? Bakit parang nagkaroon ng news blackout ang istoryang ‘yan?


13 comments:

  1. Gusto ko yung last part ng article,haha correct akala ko ba wala silang kinikilinga at walang pinoprotektahan???

    hayyy buti na lang hindi ako Kapuso!

    Proud 2 be Kapamilya <3<3<3

    ReplyDelete
  2. puro paninira sa GMA huh...

    bka kumita kau ng todo nyan...

    ReplyDelete
  3. this blog is so biased.

    ReplyDelete
  4. edi gumawa ka ng sarili mong blogged na pupuri sa gma mo!!! tonta!!!

    ReplyDelete
  5. ding dong has man boobs bakit siyang naging number 2 hottest male in the world? patawa.

    ReplyDelete
  6. blogged? ano ? haha. edi mag-aral ka muna bago ka magcomment.

    ReplyDelete
  7. tagal na nito andito pa rin? pag kasiraan sa gma tagal bago burahin. ano ba yan? ha ha ha ha! kaloka! tanong? bakit ang ABS panay ang pamimirata ng talents ng GMA? di ba sabi nila number 1 sila? bakit??????????? kasi nga taob sila sa ratings kaya gusto nilang pahinain ang 7. kaso di naman nawawalan ng ide develop na talents ang GMA. ang ABS wala! laging nakatanghod sa mga talents ng GMA. pag sikat na. pipiratahin na nila. sige nga! bilangin natin ang dati nang sikat na talents ng 7 na pinirata nila.... boy abunda, kris aquino, karen davila, ann curtis, angel locsin, izza calzado, charlene gonzales, ai ai delas alas, tina munzon palma, long mejia (with tv5 now) and dagul luchi valdes cruz (now with tv 5) at pagkarami rami pang iba. i'm sure marami pa. yong mga talents ng 2 na lumipat sa 7 mga laos na na binigyan lang ulit ng chance ng gma at baka nga naman mag resurrect pa. yong iba pinalad pero yong iba, talagang wala na. advise ko sa mga maka ABS,pumunta kayo sa 2 at mag apply kayo don ng trabaho. sabihin nyo nakikipagmurahan at nakikipag away kayo sa pagtatanggol sa kanila at nanlalait pa kayo ng channel 7. tingnan natin kung pansinin man lang kayo don.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo tama ka, yang DOS mahilig mamirata ng artista ng GMA 7....

      Delete
    2. Hoy ang GMEEW ang mahilig mamirata noh. Pinapalaos ang sikat na star from ABS.

      Delete
  8. Ambot mga kapuso talunan talaga kayo.

    ReplyDelete
  9. haha ,..katawa namn toh,..pinirata daw,..abs cbn nagpasikat sa kanila,..mababang uri sila ng nasa GMA,..kabaligtaran namn ang sinasabi nitong tangang to eh,..haha

    ReplyDelete
  10. d lang tanga napakatanga talaga wahahahahahaha!!!!! wawa na man mali mali ang mga dtalye nya.....

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search