Monday, April 30, 2012

Sharon Cuneta at Regine velasquez dapat mag-unahan sa pagpapapayat!


Huwag nang apurahin ang pag­papaliit ng katawan ni Regine Ve­lasquez dahil nagpapadede pa siya kayNate. Pangako naman niya, papayat din siya.

Si Sharon Cuneta, nangakong magpapapayat din.

Pero hindi naman mahalaga kung anong kondisyon meron ang mga katawan nila. Singers naman sila pareho na ’di kailangan ang pa­yat. Ngayon kung gagawa sila ng movie na love story, dun na kailangang payat sila. Kundi, lalabas silang nanay ng leading man nila. Ayaw siyempre nilang mangyari ito ’di ba? Nakakasira ng pride!

Paalala ng GMA 7: ‘Hindi Kami For Sale’


Masipag sumagot si GMA Network president at COO Gilberto R. Duavit, Jr. sa walang kamata­yang issue na binibili ang kanilang network.

Sa kabila kasi ng denial nila, tuloy ang usap-usapan na malapit na itong mapasok ng grupo ni Mr. Manny V. Pangilinan. Kamakailan ay kumalat uli sa social networking site na Twitter na may sign si Mr. Pangilinan na malapit na nga.

Anyway, ang latest na idinenay ni Mr. Duavit ay ang lumabas sa isang broadsheet — Networks Shakedown Rocks Industry — kamakailan.

Ayon kay Mr. Duavit, pawang walang basehan ang mga ipinahayag sa artikulo na tumutukoy sa broadcast television bilang isang “sunset” industry. 

Unang nilinaw niya ay na-misquote siya (Duavit) sa pahayag na “that is not to say that GMA-7 will not be sold.”

Sinabi pa niya sa press statement na paulit-ulit nang ipinahayag ni Duavit na “GMA-7 is not for sale…but that is not to say that GMA may not be sold, depending on the offer price.”

Sa kasalukuyan, walang nagaganap na seryo­song negosasyon sa pagitan ng GMA at ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Group, ayon pa kay Mr. Duavit.

Pangalawa sa nilinaw sa lumabas na artikulo ay ang tinukoy nitong ang 100 percent ng GMA-7 ay base sa share trading price at total number of listed shares sa stock exchange. Ito ay malinaw na walang katotohanan, ayon kay Mr. Duavit.

Heart Evangelista sumigaw-sigaw sa lobby ng GMA-7?


BOOM: Nagkita naman sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga sa Party Pilipinas kahapon at nagbeso naman ang dalawa.

Sinubukan ng mga reporters na kapanayamin ang dalawa pero tumanggi sila.

Nakunan pa ng ilang reporters na napasigaw si Heart sa ilang cameraman na kumukuha sa kanya.

Paglabas daw nito ng lobby, hindi nakapagpigil na napasigaw dahil sinusundan siya ng camera. Nagalit ang aktres dahil ayaw niyang magpakuha pero sinusundan pa rin siya ng mga cameramen.

Sunday, April 29, 2012

REORGANIZATION IN GMA ARTIST CENTER

AFTER Ida Henares resigned as its head, GMA Artist Center reorganized into several divisions. Talent development is now headed by Arsi Baltazar. PR and Events is under Jenny Donato. 

They’re still looking for someone to handle talent management, but for talent branding and imaging, GMA exec Annette Gozon Abrogar has hired a young brand manager from Unilever, Simon Ferrer, who they formally presented to the media.

Simon will be in charge of positioning GMA stars and he’d push not only the big stars but the rest of GMA’s 100 plus talents to become marketable commodities.

He first made an internal audit of how viewers perceive GMA stars, what are their strengths and weaknesses in the competitive landscape of showbiz. He has now planned several branding strategies and he bared his plans for specific GMA properties in our meeting with him, but told us not to write about it yet. For starters, he’s focusing to improve the imaging of Aljur Abrenica, Alden Richards, Rocco Nacino, Bianca King, Kris Bernal and Rhian Ramos.

Derek Ramsay dismayado sa desisyon ng Star Cinema

DEREK Ramsay admits he felt sad when Star Cinema decided to shelve the movie he’s shooting with Bea Alonzo. “Sayang kasi I’ve worked for seven days na in the movie,” he says. 




“What’s sadder is that I heard it first from the media na tinanggal na raw ako. Una pa nilang nalaman. Sabi ko pa, hindi, kasi naka-block off na lahat ng shooting days ko for them. Then Joji Dingcong (his manager) told me on the phone na hindi na nga raw tuloy. I really want to talk to Bea kasi ni hindi na kami nagkausap.”

“In fairness to Malou Santos of Star, they’re arranging a meeting or dinner with us,” says Joji. “But we’re so busy so sabi ko, okay lang, sabihin na lang niya sa’kin sa phone. She said some of the management were against continuing the movie kasi it might set a precedent to other stars that, like Derek, they can have the best of both worlds. She’s very nice and decent about it naman.”

“I never thought they’d take me out kasi exclusive lang naman ako sa Channel 5 for TV, but for films, I can work anywhere,” says Derek.


“Kaya nga natuwa naman ako when June Torrejon of Viva told me we’ll start shooting na our movie nina Anne Curtis and KC Concepcion, tentatively ‘Nothing Compares to You’, to be directed by Ruel Naval with whom I’ve worked before in ‘Maalaala Mo Kaya’ and ‘Magkaribal’ on ABS-CBN. May utang na loob talaga ako sa Viva kasi they pushed for me para masama ako sa ‘Praybeyt Benjamin’ and ‘No Other Woman’, for which I got the Box Office King Award from the Guillermo Mendoza Foundation. 

TV5 tell Sharon to ignore her bashers on Twitter?

MEGASTAR Sharon Cuneta is now calloused by the negative things she reads on Twitter. Before, she was easily got affected that she almost always hit back.

Did TV5 tell her to ignore them? “Why should they ask me that?,” she said. “They know I know what I’m doing.”

Now, all Sharon asks is for some people to respect her family. It is different story for her when her family is concerned. It is for this reason why she and her Tita Helen Gamboa had a falling out. “I’m 46 and I have my own family,” she explained. “It’s but right to defend them when the need arises. But my respect for my Tita Helen has always been there. I love her. I owe a lot to her. Takot ako dun, eh.

Nagti-text nga ako hindi sa kanya kundi kay Ciara (Sotto, her cousin).

I tried several times to reach out to her, pero ayaw niyang sumagot.”

At the presscon for her new show, Sharon: Kasama mo Kapatid on TV5, she stressed that when she hit back those bashers on Twitter, it was all because of her family. “They were saying a lot about KC (Concepcion), at ‘yung anak daw naming si Miguel, totoong anak ni Kiko (Pangilinan, her husband) sa ibang babae.”

GMA-7 Exec. Duavit: GMA-7 is not for sale… but that is not to say that GMA may not be sold, depending on the offer price.


PINABULAANAN ni GMA Network President at COO Gilberto R. Duavit, Jr. ang mga paha­yag sa artikulo ni Winston Marbella na lumabas sa isang broadsheet noong Biyernes na may pamagat na, “Networks shakedown rocks industry.”

Pawang walang basehan ang mga ipinahayag sa artikulo na tumutukoy sa broadcast television bilang isang “sunset” industry.

Una, malinaw na na-misquote si Duavit sa pahayag na “that is not to say that GMA-7 will not be sold.”

Sa katunayan, paulit-ulit nang ipinahayag ni Duavit na “GMA-7 is not for sale… but that is not to say that GMA may not be sold, depending on the offer price.”

Sa kasalukuyan, wa­lang nagaganap na seryo­song negosasyon sa pagitan ng GMA at ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Group.

Pangalawa, sa artikulo ni Marbella, tinukoy nitong ang 100% ng GMA-7 ay base sa share trading price at total number of listed shares sa stock exchange. Ito ay malinaw na walang kototohanan.

Ayon kay Duavit, ang 30.86 percent ng stock ng kumpanya na maituturing na preferred shares ay hindi listed sa stock exchange.

Ang preferred shares na ito ay naging subject ng disclosures sa Philippine Stock Exchange at Securities and Exchange Commission.

Pangatlo, ang ­pagtaas sa kabuuang gastos ng GMA ay hindi lamang dulot ng matinding kumpetisyon na tinukoy sa artikulo ni Marbella.

Bacolod Massakara kampeon ng ‘It’s Showtime’


ITINANGHAL na kampeon ng “It’s Showtime” ang grupong “Bacolod Massakara” sa ginanap na grand finals kanina.

Kaninang tanghali naglaban-laban ang walong gurpo mula sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.

Nakakuha ng “perfect 10″ mula sa mga hurado ang naturang grupo na ipinakita ang mayamang kultura ng kanilang lalawigan at ng buong bansa.

Nakamamangha ang performance ng grupo na nagsuot ng makukulay na maskara at costume habang sumasayaw.

Mistulang nasa Masskara Festival ang mga nanood kanina sa pagtatanghal ng grupo.

Naibulsa ng grupo ang P3 milyon na ang P2 milyon ay para sa kanila habang ang P1 milyon naman ay para sa lugar na kanilang nire-represent.

Mahuhusay ang lahat ng lumahok at halos dikit ang laban matapos makakuha ng 9.9 score ang Lahing Anda mula sa Pangasinan at 9.9 din ang La Castellana Bailes de Luces ng Negros Occidental.

Ang iba pang grand finalist na nagpamalas ng galing kanina ay ang Dumaguete’s Pride, Infinite Reform, Amazing Paper Dolls, Tiklad at Next Level Octomix.

Saturday, April 28, 2012

Angel Locsin at Billy Crawford, Certified Kapamilya pa rin!

Kapamilya pa rin sila Billy Crawford at Angel Locsin matapos silang pumirma muli sa Kapamilya network.
Few days ago, nag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN si Billy Crawford at masaya ito na gusto pa rin siya ng Kapamilya network.

Sa Lunes, April 30, lilipad siyang patungong France para i-promote ang kanyang latest album doon. Ilang buwan din siyang mawawala at masaya nga siya na sa kanyang pagbabalik ay open pa rin ang ABS-CBN sa kanya.

Inamin nito na magbabalik ang reality show na 'Pilipinas Got Talent' para sa 4th season nito.

Kaninang hapon naman muling pumirma ng kontrata sa ABS-CBN at Star Cinema si Angel Locsin.

Pawang mga malalaking proyekto ang naka-linya para sa maganda at napakagaling na aktres.

Sa TV, may teleserye siyang gagawin kung saan makakasama niya ang napakagandang si KC Concepcion. At sa pelikula mga bigateng artista mula sa Kapamilya at Kapuso network ang makakatrabaho niya.

Kantar TV Ratings: ABS-CBN reigns Primetime; GMA-7 leads Daytime

KANTAR MEDIA RESEARCH
NATIONAL HOUSEHOLD TV RATINGS
April 23 to 26, 2012 



Daytime:
  1. Eat Bulaga! (GMA-7) – 18.4%
  2. Chef Boy Lagro: Kusina Master (GMA-7) – 13.4%
  3. Broken Vow (GMA-7) – 13.1%
  4. The Good Daughter (GMA-7) – 12.7%
  5. Hiram Na Puso (GMA-7) – 12.1%
  6. Lumayo Ka Man Sa Akin (ABS-CBN) – 12%
  7. Mojacko! (GMA-7) – 11.9%
  8. One Piece (GMA-7) / It Started With A Kiss (GMA-7) – 11.4%
  9. Kung Ako’y Iiwan Mo (ABS-CBN) / Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Uber 2012 (ABS-CBN) – 10.9%
  10. Slam Dunk (GMA-7) – 10.8%

Primetime:
  1. Walang Hanggan (ABS-CBN) – 33.5%
  2. Princess And I (ABS-CBN) – 28.3%
  3. Dahil Sa Pag-ibig (ABS-CBN) – 25.6%
  4. TV Patrol (ABS-CBN) – 23.3%
  5. 24 Oras (GMA-7) – 19.1%
  6. Pinoy Big Brother Teen Edition 4 (ABS-CBN) – 16.6%
  7. Biritera (GMA-7) – 16%
  8. Wako Wako (ABS-CBN) – 15.8%
  9. Legacy (GMA-7) – 14.6%
  10. Dongyi (GMA-7) – 14.2%

Daytime:
  1. Eat Bulaga! (GMA-7) – 17.2%
  2. The Good Daughter (GMA-7) – 14.3%
  3. It’s Showtime (ABS-CBN) / Chef Boy Lagro: Kusina Master (GMA-7) – 12.6%
  4. Broken Vow (GMA-7) – 12.2%
  5. Mojacko! (GMA-7) / Hiram Na Puso (GMA-7) – 11.8%
  6. One Piece (GMA-7) – 11.1%
  7. Mundo Man Ay Magunaw (ABS-CBN) – 10.9%
  8. Slam Dunk (GMA-7) – 10.8%
  9. Kung Ako’y Iiwan Mo (ABS-CBN) – 10.6%
  10. Pinoy Big Brother Teen Edition 4 Uber 2012 (ABS-CBN) – 10.3%

AGB TV Ratings: 'Showtime' ratings mas mataas pa kaysa 'Wiltime Bigtime'

AGB NIELSEN PHILIPPINES
MEGA MANILA PEOPLE RATINGS
April 23 to 26, 2012

1. Anime Programs ng GMA-7 sa umaga hindi matalo-talo ng katapat
2. The Good Daughter doble ang lamang sa Kung Ako'y Iiwan Mo
3. Wiltime Bigtime bumaba na naman ang ratings. 4.6%
4. Princess and I tuluyan nang ginawang alila ang Biritera. 11.6% vs 10.7%
5. Legacy hindi maka-isa sa Walang Hanggan
6. My Beloved tinalo ang Dahil Sa Pag-ibig

April 24, Tuesday  [ SEE FULL COMPARATIVE TV RATINGS HERE ]
1. Mickey Mouse Clubhouse ng TV5 tinalo ang mga morning news program ng Kapamilya at Kapuso
2. Eat Bulaga hindi pa rin matinag sa noontime
3. Wako-Wako panalo versus Alice Bungisngis
4. Biritera bumawi sa Princess and I
5. Walang hanggan no.1 pa rin sa Primetime

Friday, April 27, 2012

Three Families Controlling GMA-7 want P60 Billion for the company

GMA 7’s Gilberto Duavit Jr., Last week, a source in Hong Kong-based First Pacific Co. Ltd., of which Pangilinan is CEO and Managing Director, said that the “asking price” for GMA 7 was between P45 billion and P51 billion—an amount the Pangilinan group was said to be willing to pay.

But latest reports said the three families controlling GMA 7 want P60 billion for the company.

The closing price of GMA 7 at the Philippine Stock Exchange on April 25 was P9.36. A 100-percent stake in GMA 7 would cost over P31 billion, but it is customary for buyers to pay a premium for acquisitions that give them control of their targeted companies.

At P45 billion, Pangilinan is willing to pay a premium of about 48 percent to GMA Network’s present market capitalization, but the controlling shareholders seek a premium of 94 percent.

The Pangilinan group has investments in several media companies and full ownership of television network TV 5. The PLDT Beneficial Trust Fund, through its subsidiary Media Quest Holdings, also has minority interests in print media: BusinessWorld, Philippine Star and the Philippine Daily Inquirer.

The right price.

GMA-7 is controlled by the Duavit, Gozon and Jimenez families. The Gozon group, represented by GMA chairman Felipe L. Gozon, had admitted in the past that the company could be sold for “the right price.”

Jessica Sanchez pasok sa Top 5 ng American Idol 11; Elise Testone is OUT!

UMABANTE na ang Filipino-American na si Jessica Sanchez sa Top 5 ng American Idol season 11.
Ito ay matapos na makalusot ngayon ang dalaga sa eliminasyon ngayong umaga (gabi sa Amerika).

Unang tinawag si Jessica sa “safe zone.”

Ikalawang ligtas naman ay ang biriterong si Joshua Ledet.

Ligtas din si Philip Philips na sa unang pagkakataon ay hindi nagustuhan ni J-Lo ang performance kahapon (partikular sa ikalawang round).

Tuluyan nang napauwi ang teacher na si Elise Testone matapos na makakuha ng pinakamababang boto.

Nakasama ni Elise sa bottom 3 ay sina Hollie Cavanagh at Skylar Laine.

Kahapon sa performance night, nang awitin ni Jessica ang Dance With My Father ni Luther Vandross sa 2nd round, ay nadala ang mga Idol judge at sinabi na ang matagal na nilang hinahanap na emosyon sa dalaga ay lumitaw ng natural.

Kulang naman anila sa energy si Jessica ng awitin nito ang “pamatay” na awitin ng legendary rock band na Queen, ang “Bohemian Rhapsody” sa unang round.

'Dahil sa Pag-ibig' bumabagsak na ang rating!

SA TOTOO lang, hindi lamang si Cristine Reyes ang apektado sa pagbagsak ng rating nang Nang Dahil sa Pag-ibig, maging ang mga pangunahin artista rito na sina Piolo Pascual at Christopher De Leon ay apektado din dahil sa kung hindi daw magbago ang lackluster rating ng show, siguradong matsutsugi ito sa ere.

Naapektuhan ang rating ng Nang Dahil sa Pag-ibig dahil sobrang nega talaga ngayon ni Cristine Reyes buhat ng magpasabog ito ng mga text messages patungkol sa kanyang Ate Ara Mina. Dagdag pa riyan na kaliwa’t kanan ang banat ngayon ng mga entertainment press rito lately.

Dapat siguro mag-sorry rin itong si Cristine roon sa mga sinabihan niyang reporter na cheap raw. At bago pa man tuluyang malaos itong si Reyes, mas mabuting gumawa na siya ng hakbang para maayos ang mga gusot nito sa movie press.

PINOY TV POLICE COMMENT:
Natatalo na ng My Beloved ang Dahil Sa Pag-ibig sa Mega Manila pero minsan ay nanalo naman ang serye ni Cristine at Piolo. Sa National Tv Ratings naman ay panalo pa rin ang Dahil Sa Pag-ibig. Malaki ang agwat ng ratings ng Dahil Sa Pag-ibig at My Beloved. SEE FULL TV RATINGS HERE

Marian Rivera at Dingdong Dantes pinag-uusapan na ang pagkakaroon ng baby?

Si Marian na mismo ang nagkuwento kung paano nila pinag-usapan ni Dingdong Dantes ang isyung buntis ito.
Sa presscon ng bagong dramedy ni Marian sa GMA 7 na Tweets for My Sweet, natatawang kinuwento ni Marian na ­tinext siya ni Dingdong kama­kalawa para sabihing may kumakalat na intrigang buntis ito.

Natawa pa si Marian na sinabi sa aming meron pa raw “how I wish” sa text ni Dingdong na tila gusto na nitong magka-baby kay Marian.

Pero paulit-ulit na sinasabi ni Marian na wala talaga at ipinakita sa amin ang impis niyang tiyan sa ha­pit na hapit na puting damit.

Sakaling mabuntis siya, hindi niya ito itatago at magiging proud siya. “Natuto na ako, eh. Hindi naman ako papasok sa isang bagay na hindi ko kayang panindigan.

“Kung ginawa ko iyun o mangyari sa akin ‘yun, ibu-broadcast ko talaga sa lahat,” sagot ni Marian sa amin.

Napag-alamang ang kapatid ni Dingdong ang buntis kaya binabati ito ng ilang kaibigan. Dahil sa isyung buntis, muling napag-usapan ang tungkol sa pag-settle down nila ni Dingdong.

Wala pa raw talaga sa mga plano nilang dalawa dahil malaki ang utang na loob nila sa showbiz.

Malaki ang natutunan nila at nabago sa kanilang buhay kaya marami pa silang gagawin bago nila pag-usapan ang pag­settle down.

GMA-7 gumastos ng malaki para maging no.1


Duavit said competitive pressures drove costs up:
“The spending was driven by the desire to win in the national ratings last year.”

GMA 7 cited a 3.1-point lead in household audience share over rival ABS-CBN and an 18.6-point lead over newcomer TV 5, according to media ratings firm Nielsen TV Audience Measurement.

Duavit rejected suggestions to emulate TV 5 by pirating big talent to attract more advertisers. “The norm was that the stars created the program and the network was measured in terms of who its stars were,” he said.

“We prefer to see it the other way around—that it’s the programs that make the stars and the network that creates the programs and the opportunities,” he said.

GMA-7 magtitipid ngayong 2012

GMA-7 plans to reduce programming costs and trim capital expenditure from nearly P896 million in 2011 to P650 million for 2012.

Two new stations are planned in the Ilocos and Bicol regions. The rest of the funds will be to upgrade towards high definition programming.

Despite posting lower profits, rival ABS-CBN has set a higher budget for expansion this year to diversify its revenue stream and ensure future growth.

Last week, company officials reported that profits fell nearly a quarter in 2011, from a net of P3 billion in 2010 to P2.4 billion in 2011, following an industry-wide drop in earnings from massive spending cuts by big advertisers.

A one-time gain from the sale of a stake in Sky Cable Corp., coupled with the company’s more diversified revenue stream helped save ABS-CBN from a worse decline, officials said.

Ad Revenues ng ABS-CBN pinakamataas Last March!

The outlook for 2012, however, remains uncertain after an unusually erratic first three months of the year.
“In January ad minutes went down by double digits. In February we saw some signs of recovery, but last March we had an all-time high for that month,” ABS-CBN chief financial officer Ron Valdueza told reporters. “We hope to sustain this momentum the rest of the year.”

Valdueza said the company might benefit from the unofficial start of the midterm campaign season by the fourth quarter of this year, “but it probably wouldn’t be that much.”

He said the group’s capital expenditure would increase by at least 19 percent this year to P5 billion, with the bulk to be invested in the Internet and cable television business of its subsidiary, SkyCable.

Diversifying.

To diversify its revenue stream, ABS-CBN last year launched a total of 16 films, six of which grossed more than P100 million each to reach “blockbuster” status by Philippine standards. “Praybeyt Benjamin” grossed P342 million, making it the country’s biggest-selling movie.

This year the government plans to order television industry players to start broadcasting on digital frequencies and replace the existing inefficient and unreliable analog technology.

Thursday, April 26, 2012

'Moron 5 and the Crying Lady' grossed 64.64 Million Pesos in 3 weeks

FIRST READ ON PINOY TV POLICE: Based on BoxOfficeMojo report on April 18-22, 2012 box office results, Battleship pa rin ang nangungunang pelikula sa Pilipinas. Kumita na ito ng 95.92 Million Pesos.



Samantala, ang 'Moron 5 and the Crying Lady' naman ng Viva Films ay naka 64.64 Million pesos na sa loob ng 3 weeks nito sa mga sinehan.


TWLWMovieStudio


Gross-to-DateWeek
11BattleshipUIP




95,925,965 PHP2
2NThe Lucky OneWB




10,689,174 PHP1
32Moron 5 and the Crying Ladyn/a




64,642,363 PHP3
43Wrath of the TitansWB




138,657,174 PHP4
54Titanic 3DFox




23,119,015 PHP3
65The Hunger GamesPioneer




139,996,453 PHP5
7NAnonymousSony




418,464 PHP1
89Dr. Seuss' The LoraxUIP




21,456,713 PHP6
98John CarterDisney




87,165,284 PHP7

Helen Gamboa ayaw pa ring kausapin si Sharon Cuneta?

EMOSYONAL si Sharon Cuneta nang hingan siya ng press ng update sa tampuhan nila ng tiyahin niyang si Helen Gamboa-Sotto sa press launch kahapon ng bagong show niya sa TV5 na Sharon: Kasama Mo, Kapatid sa Delta Theater.
“Takot kasi ako sa kanya (Helen). Ang lagi kong tine-text, si Ciara (Sotto, bunsong anak nina Helen at Tito Sotto),” bulalasng Megastar.

“I think, na-offend siya du’n sa isang line na hiningi ni Wilson Flores (sumulat ng article ni Sharon sa isang broadsheet) sa akin, na hindi ko alam kung anong sobra.”

Paglilinaw ni Shawie, tapos na ‘yung isyu ng Senate presidency (kung saan tumakbo ang mister niyang si Senador Kiko Pangilinan, na hindi umano sinuportahan ng tiyuhin niyang si Senador Tito Sotto).

Wala na raw ‘yon at nailibing na.

Iyung pangalawang ­issue na kesyo nagmamalinis daw si Kiko samantalang ito si ‘Mr. Noted’ sa Senate hearing, hindi raw sila nagsalita about it, pero na-shock siya tungkol doon dahil hindi na ‘yon kailangang sabihin pa.

Nang matapos din ang isyung ‘yon ay hindi raw sila nagsalita ng kahit ano, pero hindi na sila nagkausap ng kanyang Tita ­Helen at never na rin silang nagkita.

“Ang laking gulat ko lang talaga. Kasi, sa fa­mily namin, they were the people who taught me eh -- sila nina Mommy -- na hindi kami naglilinis ng dirty linen in public, ‘di ba? Nagulat ako. It was shocking to me…

John Lloyd Cruz at Bea Alonzo muling magsasama sa pelikula


SCOOP: Kinumpirma ng Star Cinema through their Twitter account na magsasama muli sa big screen sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. 
Ito ang offering ng magka-loveteam para sa kanilang mga fans para sa kanilang ika-10 anibersary bilang magka-loveteam.

Ang working title ng kanilang pelikula ay "The Mistress'. Ito ay under the direction of Olivia M. Lamasan

Wednesday, April 25, 2012

Derek Ramsay unti-unti nang inaalis sa Star Cinema?

PAGKATAPOS kumita ng malaki ang “No Other Woman” nina Cristine Reyes, Anne Curtis at Derek Ramsay, balitang papalitan na ng Star Cinema ang pa-macho at gigolo effect na karakter ni Derek sa mga proyekto ng number one movie outfit ng bansa. Si Dingdong Dantes ang napipisil nilang gumanap sa papel na babakantehin ng balbonic actor.

Isang love-triangle drama raw ang gagawin ng Kapuso actor sa film arm ng ABS-CBN. Ang makasasama raw nito sa pelikula ay sina Angelica Panganiban at Angel Locsin. Si Ruel Bayani, na siyang direktor ng blockbuster film na No Other Woman ang siyang magigigng direktor din nito.

Samantalang yung movie na pagsasamahan ng boyfriend ni Angelica at Bea Alonzo ay hindi na matutuloy. Ito ba’y hudyat na nang unti-unting pagpagpag kay Ramsay sa kwadra ng Star Cinema?

Si Dingdong ay mas bata at sariwa kumpara kay Derek na may edad na. Sa Segunda Mano bagama’t ‘di nagpakita ng kakisigan ang papa ni Marian Rivera ay kumita pa rin ng milyones ang naturang pelikula. Pa’no kung maghubad pa ang matangkad na aktor? Aba’y baka malampasan pa nito ang kinita ng mabalahibong aktor sa box-office.

The 100-million studio of 'Sharon: Kasama Mo, Kapatid'

SCOOP: Ngayong araw ay ginaganap ang Press Conference ni MegaStar Sharon Cuneta para sa kauna-unahang talkshow niya sa TV5 na 'Sharon: Kasama Mo, Kapatid"
Ito rin ang unang sulyap sa studio ng show ni Sharon na ayon sa PEP ay worth 100 Million Pesos.


PBB Teen Housemate Kit Thompson, masama ang ugali?


Last week inulat ko rito ang isa sa mga Ex-girlfriends ni Teen Housemate Kit Thompson na si Anthea Ruiz at ngayon isa na naman sa mga naging ex-girlfriends ni Kit ang aking ipapakilala.
Meet Imee Schweighart, a Viva and Kapatid artist. Ang half-German na ito ay napapanood sa youth-oriented show na 'Bagets.'

Kung si Anthea ay parang bukas pa sa posibilidad na magkabalikan sila ni Kit, ibahin mo itong si Imee. Nang matanong isang tagahanga kung bakit niya iniwan si Kit, narito ang naging sagot niya:


Love it, palaban! Hahaha oh ayan may bago ng chika na si Kit paglabas niya sa Bahay ni Kuya. Abangan kung ano pang malalantad sa pagkatao ni Kit sa 'Pinoy Big Brother Teen Edition 4.'

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search