Tuesday, March 6, 2012

GMA Films sinisiguradong mabibigyan ng trabaho ang lahat ng Kapuso stars

Magiging busy ang GMA Films this year sa rami ng pelikulang balak nilang gawin. Susundan nila ang My Kontrabida Girl na showing sa March 14 at The Witness na March 21 ang playdate.

May mga titles na binanggit na project si Tracy Garcia at kung sino ang cast pero nakiusap na ’wag munang isulat dahil baka mapalitan. Ang siniguro nito, lahat ng talents ng GMA 7 at GMA Artist Cen­ter ay mabibigyan ng pelikula.

Ang puwedeng banggitin ay kung sinong mga direktor ang kinukuha ng GMA Films para gumawa ng pelikula sa kanila kabilang dito sina Topel Lee, Mark Reyes, Dominic Zapata na two movies ang gagawin kasama ang Boy Pick-Up, Mac Alejandre na direktor ng Just One Summer, at si Yam La­ranas for another suspense-thriller.
Tuloy pa rin ang pelikula ni Richard Gutierrez na isang disaster movie pero hindi na si Iza Calzado ang leading lady. Gagawin siguro ni Richard ang pelikula after ng action-drama series niyang Rancho Paradiso o puwede ring isabay.

Protected by Copyscape Unique Content Check
For more updates FOLLOW us on Twitter @pinoyTVpolice and LIKE US on Facebook

3 comments:

  1. wala yang binat bat sa star cinema!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ISANG MLAKING CHECK!!!!!!!!!!!!!

      Delete
  2. Spell G-M-A-F-L-O-P!..mapa movie man or tv show..haha kawawa cartoons lang ang mataas nila, kahit eat bulaga di na number one sa morning block.. Lolz dagdagan nyo pa ang bayad nyo sa AGB para mas lumaki pa lead nyo sa kanilang rating.haha kawawa, ibibenta nalang di pa nagrarate..lolzz

    ReplyDelete

Anong masasabi mo sa issue na 'to? mag-Comment na!!

SEARCH THIS BLOG

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Custom Search